RP Davis Cupper nalo
July 20, 2006 | 12:00am
Napanatili ng Pilipinas ang dominasyon sa Sri Lanka nang kunin nina Fil-Am netters Cecil Mamiit at Eric Taino ang 3-0 sweep sa pagbubukas ng aksyon kahapon sa 2006 Davis Cup Asia-Oceania Zone Group 3 competition sa Manila Polo Club indoor courts, Makati City.
Ang dalawang Fil-Ams ang siyang pinagkatiwalaan ni non-playing team captain Roland So sa laban at hindi naman siya ipinahiya nina Mamiit at Taino na inilampaso ang mga bisitang sina Harshana Godamanna at Amrit Rupasinghe.
Unang sumagupa ang 30 anyos at worlds number 271 na si Taino laban sa bagito pang si Rupasinghe para madaling kunin ng pambatong manlalaro ng bansa ang 6-0, 6-1 panalo sa labang tumagal lamang ng 50 minuto.
Si Mamiit ay bahagyang pinawisan kay Godamanna, ang natatanging manlalaro ng Sri Lanka na may ranking bilang 1,528 sa mundo. Magkaganito man ay hindi rin umubra ang Sri Lankan kay Mamiit, ang worlds 203 at umani ng gintong medalya sa mens singles sa Philippine SEA Games gamit ang 6-4, 6-2 panalo.
Kinumpleto nina Mamiit at Taino ang pagbibida nang ilampaso ang mga Sri Lankan sa doubles sa 6-2 at 6-1 iskor.
Dahil sa tagumpay, naisulong ng Pilipinas sa 6-0 ang kanilang head to head matchup laban sa Sri Lanka. Taong 1958, 1962, 1975, 1977, 1987 at 2001 nagkita ang dalawang bansa at isang beses lamang na nakapanalo ng isang set ang Sri Lanka na naganap noong 1975 sa Colombo.
Ang Pilipinas, na numero uno sa talaan ng walong ban-sang kompetisyon na magdedetermina sa dalawang kopo-nang aakyat sa Group II sa 2007, ay susunod na kakaharapin ang Singapore ngayong umaga.
Inaasahang wala ring hirap ang asam na tagumpay ng host country dahil ang Singapore ay hindi pa nananalo sa bansa sa dalawang pagkikita na nangyari noong 1984 at 2001.
Ang Pilipinas, Sri Lanka, Singapore at Vietnam, na kalaban ng bansa sa Biyernes, ay nasa Group I habang ang Iran, Bangladesh, Saudi Arabia at Bahrain ang nasa Group II.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am