Bakit para sa MVP Cup, puwede mag-break, para sa Jones Cup, hindi puwede?
July 19, 2006 | 12:00am
Pumalpak at sumablay na naman ang RP team natin sa Jones Cup dahil sa sabi nila, mahina raw ang mga players na ipinadala natin dun at hurriedly-formed team pa.
Ang dahilan-- majority ng magagaling nating PBA players na puwede sana sa Jones Cup eh hindi puwedeng pumunta dahil ongoing ang finals.
Ang laking bagay nga naman kung ang mga tulad nina Villanueva, Pennisi, Tugade, Raymundo, Pingris at MVP Yap ang naipadala natin sa Jones Cup.
Pero dahil tumatakbo nga ang finals, hindi sila puwedeng pumunta.
Eh kayang-kaya naman pala ng PBA na magkaroon ng break para lang pagbigyan ang pagtatanghal ng MVP Badminton Cup pero bakit para sa Jones Cup eh hindi nito kayang mag-break?
Eh kung nag-break nga naman ang PBA sandali para lang maka-join yung top players natin sa Jones Cup eh di sana tayo naging kahiya-hiya dun sa Jones Cup?
At saka bakit ganun-- ang dami pang magagaling na PBA players na naunang ipinatawag para sa RP team pero hindi nagsipagsiputan, at yung ibay mas pinili pang umuwi sa Amerika at magbakasyon?
Ganyan ganyan na lang ngayon kung isnabin ang RP team?
Eh kung kaya nating parusahan at bigyan ng fine ang isang PBA player na nambabalewala ng mga activities ng PBA All-Stars, ang laki namang kalokohan na hindi natin kayang magparusa ng mga players na nambabalewala ng call of duty to serve the Philippine national basketball team?
Bakit ganun-ganun na lang ang ginawang pag-iwas ng mga top PBA players to join the RP team for Jones Cup.
There must be something wrong somewhere.
At tutuo ka, lumalakas na tuloy ang tsismis na malapit nang bumalik si Robert Jaworski sa PBA at yan daw ay sa pamamagitan ng pagiging head coach ng isang SMC team!
Sigurado ako, hindi yan Purefoods, at hindi rin muna San Miguel Beer dahil okay naman sila ngayong conference.
Mayroon na nga bang negosasyon na nagaganap? Tutuo nga bang may "comebacking coach" na? Matatandaang nung nakaraang PBA awards night, si Jaworski ang nag-abot ng award kay James Yap. Pero ang mas importanteng napansin ng lahat eh ang standing ovation na ibinigay ng mga fans kay Jawo habang papasok siya at inannounce ang pagdating ng "the only living legend in the PBA."
Hinding-hindi pa rin nawawala ang charisma ni Jawo sa masa, to think na nung gabing yun ay wala ang mga Barangay Ginebra fans. Sabi nga ni Rellie de Leon, "nanindig ang mga balahibo ko sa reception sa kanya ng mga tao sa Araneta. Iba pa rin talaga si Jaworski." Oo nga, talaga, iba pa rin.
At lumalakas din ang tsismis tungkol kay Coach Tim Cone at sa coaching staff niya.
Nag-expire na ang kontrata ni Cone sa Alaska at ngayon daw, may negosasyon na nangyayari. Balita - kung sakaling ma-retain si Cone ay bababa raw ng husto ang suweldo niya which he find hard to accept. Balita pa rin--sakaling di sila magkasundo, ang nakatakdang pumalit kay Cone ay si Joel Banal na dating may hawak sa Talk N Text.
Uy, tsismis lang yan ha.
Dahil ang totoo pumirma na uli si Cone ng kontrata sa Alaska.
Tatakbo raw na vice-mayor ng Manila si Manny Pacquiao. Yes, you read it right, vice-mayor ng Manila. Pinipilit na ng ilang grupo na tumakbo si Manny at pasukin nang tuluyan ang politika.
Kapag natuloy, walang talo tiyak si Manny. Ek kahit nga mayor ang takbuhin, mahirap nang talunin yan sa sobrang popularidad niya ngayon. Ang tanong--kaya ba niya? May oras ba siya?
Yun lang!
Ang dahilan-- majority ng magagaling nating PBA players na puwede sana sa Jones Cup eh hindi puwedeng pumunta dahil ongoing ang finals.
Ang laking bagay nga naman kung ang mga tulad nina Villanueva, Pennisi, Tugade, Raymundo, Pingris at MVP Yap ang naipadala natin sa Jones Cup.
Pero dahil tumatakbo nga ang finals, hindi sila puwedeng pumunta.
Eh kayang-kaya naman pala ng PBA na magkaroon ng break para lang pagbigyan ang pagtatanghal ng MVP Badminton Cup pero bakit para sa Jones Cup eh hindi nito kayang mag-break?
Eh kung nag-break nga naman ang PBA sandali para lang maka-join yung top players natin sa Jones Cup eh di sana tayo naging kahiya-hiya dun sa Jones Cup?
At saka bakit ganun-- ang dami pang magagaling na PBA players na naunang ipinatawag para sa RP team pero hindi nagsipagsiputan, at yung ibay mas pinili pang umuwi sa Amerika at magbakasyon?
Ganyan ganyan na lang ngayon kung isnabin ang RP team?
Eh kung kaya nating parusahan at bigyan ng fine ang isang PBA player na nambabalewala ng mga activities ng PBA All-Stars, ang laki namang kalokohan na hindi natin kayang magparusa ng mga players na nambabalewala ng call of duty to serve the Philippine national basketball team?
Bakit ganun-ganun na lang ang ginawang pag-iwas ng mga top PBA players to join the RP team for Jones Cup.
There must be something wrong somewhere.
Sigurado ako, hindi yan Purefoods, at hindi rin muna San Miguel Beer dahil okay naman sila ngayong conference.
Mayroon na nga bang negosasyon na nagaganap? Tutuo nga bang may "comebacking coach" na? Matatandaang nung nakaraang PBA awards night, si Jaworski ang nag-abot ng award kay James Yap. Pero ang mas importanteng napansin ng lahat eh ang standing ovation na ibinigay ng mga fans kay Jawo habang papasok siya at inannounce ang pagdating ng "the only living legend in the PBA."
Hinding-hindi pa rin nawawala ang charisma ni Jawo sa masa, to think na nung gabing yun ay wala ang mga Barangay Ginebra fans. Sabi nga ni Rellie de Leon, "nanindig ang mga balahibo ko sa reception sa kanya ng mga tao sa Araneta. Iba pa rin talaga si Jaworski." Oo nga, talaga, iba pa rin.
Nag-expire na ang kontrata ni Cone sa Alaska at ngayon daw, may negosasyon na nangyayari. Balita - kung sakaling ma-retain si Cone ay bababa raw ng husto ang suweldo niya which he find hard to accept. Balita pa rin--sakaling di sila magkasundo, ang nakatakdang pumalit kay Cone ay si Joel Banal na dating may hawak sa Talk N Text.
Uy, tsismis lang yan ha.
Dahil ang totoo pumirma na uli si Cone ng kontrata sa Alaska.
Kapag natuloy, walang talo tiyak si Manny. Ek kahit nga mayor ang takbuhin, mahirap nang talunin yan sa sobrang popularidad niya ngayon. Ang tanong--kaya ba niya? May oras ba siya?
Yun lang!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended