Tipon sumuntok ng ginto
July 19, 2006 | 12:00am
Nakakasiguro na si bantamweight Joan Tipon na makakasama sa Doha Asian Games nang sungkitin nito ang nag-iisang gintong medalya para sa bansa sa katatapos na Greenhill Cup boxing competitions sa Karachi, Pakistan.
Tatlong Pinoy ang umusad sa finals ngunit tanging si Tipon lamang ang nakapag-uwi ng ginto.
Gamit ang mahusay na footwoork at matutulis na jabs binugbog ni Tipon ang Pakistani na si Abid Ali, 28-20.
Nauna rito, nakuntento na lamang sa silver medals sina light-flyweight Harry Tañamor at flyweight Violito Payla makaraang yumuko sa kani-kanilang Koreanong kalaban.
Tulad ni Tipon, si Tañamor na reigning Asian Games titleholder din ay pinayuko ni Hong Moo Won, 18-33 habang lumasap naman si Payla ng 17-37 kabiguan kay world champion Lee Ok Song.
Dahil sa 1-2-1 G-S-B performance tumapos ang Philippines na ikatlo sa overall ng 22 team cast na binubuo ng pangunahing Asian at European boxers.
Naibulsa ni Genebert Basadre ang bronze medal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended