3 Pinoy pugs umusad sa finals
July 18, 2006 | 12:00am
Sa isang pagpapakita ng lakas, tatlong Pinoy boxers ang umusad sa finals ng prestihiyosong Greenhill Cup boxing competitions kamakailan sa Karachi, Pakistan.
Tanging si reigning SEA Games titleholder Genebert Basadre ang nabigo makaraang yumuko ito kay Yasser Shekan ng Syria sa bantamweight finals, 19-20.
Sina Harry Tanamor, Violito Payla ay makakaharap ang Korean boxers habang lalabanan naman ni Joan Tipon ang magiting na Pakistani.
Napagwagian ni Basadre ang tatlong unang rounds ngunit biglang nagrelaks sa ikaapat na round na nagbigay ng pagkakataon sa Syrian boxer na makaungos.
Ang magiting na pakikipaglaban ng Philippines ay tinampukan ni Athens Olympian at flyweight boxer na si Payla nang sorpresahin nito ang Pakistani na si Nouman Kariman tungo sa 27-20 panalo habang binugbog naman ni Tipon si Indian Bijender Singh, 28-12.
Winasak din ni Tanamor ang puso ng mga Pakistani nang payukurin nito ang kanilang kababayang si Nas Khan, 24-20.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Pacific Heights-sponsored Philippine boxing team ay nagpakita ng dominasyon sa international competitions matapos ang second overall na tinapos sa Hanoi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended