^

PSN Palaro

Mamiit, Taino babanderahan ang RP Davis Cup team

-
Tiniyak kahapon nina Fil-Americans Cecil Mamiit at Eric Taino ang kanilang kahandaan na muling pangunahan ang Pilipinas sa asam na tagumpay sa 2006 Davis Cup-Asia-Oceania Group III games sa Manila Polo Club mula Hulyo 19 hanggang 23.

"Eric and I have been playing in different tournaments before coming here. I don’t know the players of the other countries playing but I do believe our team have the talent and smart to win this tournament," pahayag ni Mamiit na kasama ni Taino at ang mga Pinoy na sina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla ay iprinisinta sa media sa PLDT main office sa Makati.

Ang PLDT-Smart ang siyang mag-tataguyod sa Davis Cup team at hindi lamang sa kompetisyong ito sila susu-porta kundi magtatagal ito hanggang sa Asian Games na kung saan sina Mamiit at Taino ay kinumpirma ang paglalaro.

Nasa ika-85 na taon nang naglalaro ang Pilipinas sa Davis Cup at ito ang ikalawang pagkakataon na na-demote ang bansa sa Group III. Ang una ay noong 2001 na ang kompetisyon ay ginawa rin sa bansa.

Lumagapak ang Pilipinas sa Group III nang matalo noong nakaraang taon sa Lebanon at Korea.

"We are expected to win this whole thing. Our team is stong but we are not overconfident going into this tourna-ment. But our motto for every match is 3 all the way," wika ni non-playing team captain Roland So.

Si Martin Misa ang siyang aaktong head coach ng koponan na makikipag-tuos sa mga bansang Bangladesh, Bahrain, Iran, Singapore, Saudi Arabia, Sri Lanka at Vietnam. Sa mga bansang ito, ang Iran at Vietnam ang sinasabing magiging mahigpit na kalaban ng host country.

Ang walong koponan ay hinati sa dalawang grupo at ang draw of lots ay gagawin bukas ng hapon at ang aksyon ay sisimulan sa Miyerkules. Ang mga laro ay itinakda ganap na ika-10:00 ng umaga at katatampukan ito ng best of three series na singles. Ang mangu-ngunang dalawang koponan sa mag-kabilang grupo ay aabante sa semifinals at ang dalawang lulusot sa yugtong ito ang maglalaban sa championship. Higit sa kampeonato, ang dalawang finalist ang babalik uli sa Group II sa 2007.

vuukle comment

ASIAN GAMES

DAVIS CUP

DAVIS CUP-ASIA-OCEANIA GROUP

ERIC AND I

ERIC TAINO

FIL-AMERICANS CECIL MAMIIT

JOHNNY ARCILLA

MAMIIT

MANILA POLO CLUB

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with