Ang dalawang manunumbok ay kapwa nagpamalas ng kani-kanilang tikas sa finals ng exhibition tournament at nagbigay ng umaatikabong aksiyon sa 9-ball dito sa Asias City of Flowers sa Guangzhou, China.
Ibinigay ng 2006 San Miguel Vietnam leg champion na si Reyes ang kanyang mahusay na pagsargo sa lamesa na nagpasaya sa mga gigil na gigil na Chinese audience sa Guangdong TV Studio, gamit ang kanyang mga dating taktika, mahusay na pagkontrol sa white cue at pagpasok ng mga bola mula sa left at right corner. Gayunman, nagawang baligtarin ito ng batang si Wu ng kanyang talunin ang mahika ni Reyes sa 9 racks to 5 at ibulsa ang exhibition leg trophy ngayong taon.
Ang naturang exhibition leg ay isang welcome change sa competition format kung saan ang mga players ay pinapayagang mahasa ang kani-kanilang talento at paglalaro ng kani-kanilang estilo sa billiards na wala man lamang nadaramang pressure sa tournament, na nagsilbi ring exciting introduction para sa mga Chinese viewers sa world class 9-ball competition.
Samantala, ang tunay na labanan ay magbabalik sa susunod na buwan kung saan ang 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour ay magpapatuloy sa Kaohsiung, Taiwan sa August 4-6.