Sa pamamagitan nito, napalubog ng nagdedepensang Letran College ang itinayong 12-point advantage ng University of Perpetual Help Dalta sa second period upang kunin ang 60-48 panalo at manatili sa liderato ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Tumipa si Bautista ng 14 puntos, 7 rebounds at 2 steals para sa malinis na 5-0 kartada ng Knights kasunod ang San Beda (4-1), Philippine Christian University (4-2), Mapua (3-2), San Sebastian (2-4) at UPHD (2-4).
Ipinoste ng Altas ang isang 12-point lead, 24-12, mula sa basket ni Fritz Bauzon sa second period bago maghulog ang Knights ng isang mahabang 31-6 bomba para ilista ang 42-30 abante, 2:49 sa third quarter.
Isang jumper ni Aaron Aban at dalawang sunod na tres ni Bautista ang nagposte sa isang 16-point advantage, 60-44, ng Letran sa UPHD sa huling 2:45 ng final canto.
Sa high school division, tinalo ng Altalettes ang Squires, 80-72, habang binigo naman ng JRU Light Bombers ang La Salle Greenies, 91-75. (RCadayona)