^

PSN Palaro

Knights matatag sa unahan

-
Simple lang ang naging game plan ni coach Louie Alas. "Ang sabi ko lang kay Boyet (Bautista) kapag na-double team siya maghanap siya ng libreng teammates niya. Iyon nga ang nangyari sa second half matapos lumamang ng 12 points ang Perpetual sa second quarter," ani Alas. 

Sa pamamagitan nito, napalubog ng nagdedepensang Letran College ang itinayong 12-point advantage ng University of Perpetual Help Dalta sa second period upang kunin ang 60-48 panalo at manatili sa liderato ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium. 

Tumipa si Bautista ng 14 puntos, 7 rebounds at 2 steals para sa malinis na 5-0 kartada ng Knights kasunod ang San Beda (4-1), Philippine Christian University (4-2), Mapua (3-2), San Sebastian (2-4) at UPHD (2-4). 

Ipinoste ng Altas ang isang 12-point lead, 24-12, mula sa basket ni Fritz Bauzon sa second period bago maghulog ang Knights ng isang mahabang 31-6 bomba para ilista ang 42-30 abante, 2:49 sa third quarter. 

Isang jumper ni Aaron Aban at dalawang sunod na tres ni Bautista ang nagposte sa isang 16-point advantage, 60-44, ng Letran sa UPHD sa huling 2:45 ng final canto. 

Sa high school division, tinalo ng Altalettes ang Squires, 80-72, habang binigo naman ng JRU Light Bombers ang La Salle Greenies, 91-75. (RCadayona)

AARON ABAN

BAUTISTA

FRITZ BAUZON

LA SALLE GREENIES

LETRAN COLLEGE

LIGHT BOMBERS

LOUIE ALAS

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with