^

PSN Palaro

54 draft applicants makikilatisan ng husto sa PBA Rookie Camp

-
Mas mahaba at mas mabigat na rookie camp ang dadaanan ng mga aspiring players na nagpalista sa 2006 Philippine Basketball Association (PBA) Draft.

Ang lahat ng applicants para sa August 14 off-season event ay sasailalim sa rigid, five-day tryout mula August 7 hanggang August 12, kung saan paglalaban-labanin din ang mga ito sa ilang serye ng matches.

Ang lahat ng ito ay magbibigay ng sapat na panahon sa 10 koponan na magdra-draft para ma-scout ang mga members ng ‘06 Rookie Class.

Dalawang araw lamang ang rookie camp noong nakaraang taon na nakatuon sa individual strength at skills ng mga players.

"This time we want to focus not just on the athletic abilities of the players, but also on how they play together and perform in a team," ani PBA technical head Perry Martinez, na siyang naatasang mangasiwa ng Rookie Camp sa taong ito.

Hahatiin ni PBA commissioner Noli Eala ang 54 draft applicants sa iba’t-ibang teams.

Pinangungunahan ng mga Fil-Ams na sina Rob Reyes, Kelly Williams at Joe Devance ang rookie pool na kinabibilangan din nina Arwind Santos, Lewis Alfred Tenorio, Mark Isip, Joseph Yeo, Aaron Aban, Mark Andaya, Chico Lanete, Ronjay Enrile, Jay-R Reyes, JunJun Cabatu at Samigue Eman. "This year we decided to make it a five-day camp in order for all of the rookies to be given a fair chance to show their proficiency and skills," ani Eala. Ang unang araw ng camp ay tutuon sa individual skills ng mga players na pasasailalim sa drills para masubukan ang kanilang skills, agility, quickness, shooting at vertical leap at ang ikalawang bahagi ay puro games.

Ang Draft proper ay nakatakda sa August 20 sa Market, Market sa Taguig.

vuukle comment

AARON ABAN

ARWIND SANTOS

CHICO LANETE

JAY-R REYES

JOE DEVANCE

JOSEPH YEO

KELLY WILLIAMS

LEWIS ALFRED TENORIO

MARK ANDAYA

MARK ISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with