^

PSN Palaro

UE nakaligtas sa OT vs FEU

-
Naging matatag ang University of the East sa overtime period upang pabagsakin ang defending champion Far Eastern University, 92-84 sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Bagamat puro may dinaramdam ang limang key players ng Red Warriors nagawa nilang masundan ang malaking panalo noong opening day laban sa Adamson University, 72-57 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo para hawakan ang pansamantalang solong liderato.

Nagtulong sina Mark Borboran at Marcy Arellano sa overtime sa kanilang tig-limang puntos at hiyain ang nagtatanggol ng koronang FEU Tamaraws sa kanilang debut game sa season na ito.

"I was really worried before this game because most of my players galing sa sakit. May lagnat si Elmer (Espiritu) and Marcy, then nag-LBM naman sila Kelvin (Gregorio), James (Martinez) and Mark," sabi ni UE coach Dindo Pumaren.

Sa tulong ni Borboran na nagbida sa 8-0 run, lumayo ang Warriors sa 87-79 papasok sa huling 3:19 minuto ng laro. Nakalapit man ang Tamaraws sa 84-87 sa tulong ni Marlon Adolfo, nadiskaril ang kanilang paghahabol nang ikonekta ni Arellano ang tres at dalawang freethrows para sa panigurong 92-84 lead, 14.1 segundo na lamang.

Umiskor ng double victory ang UE matapos ang tagumpay ng Pages laban sa NU Bullpups sa juniors division, 97-73.

Inilampaso naman ng Ateneo Blue Eaglets ang Adamson Baby Falcons, 85-57 at naungusan ng UP Integrated School ang UST Tiger Cubs, 78-76. (Carmela V. Ochoa)

ADAMSON BABY FALCONS

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO BLUE EAGLETS

CARMELA V

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVERSITY

INTEGRATED SCHOOL

MARCY ARELLANO

MARK BORBORAN

MARLON ADOLFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with