Isa pang bronze sa RP riders

BANGKOK - Isa na namang bronze medal ang naisubi ng Team Cycling Philippines na galing sa men’s team pursuit sa Asia Cup Round 2 campaign noong Miyerkules na nagbigay ng liwanag sa kampanya ng mga Pinoy riders sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

Tinalo nina Alfie Catalan, Arnold Marcelo, Carlo Jasul at Paterno Curtan Jr. ang matitinik na Japanese quartet para sa bronze medal race, ang pagtatapos na third best sa Asia sa event na kinokonsiderang pinakamabigat na hamon sa track (velodrome) cycling.

 Ito ang ikatlong bronze ng mga RP Riders na kumakarera sa Round 2 ng prestihiyosong karera na inorganisa ng Asian Cycling Confederation at Thai Cycling Association.

Ang biyahe ng RP squad ay suportado ng Philip-pine Sports Commission katulong ang Air21, Mail and More, Dos-1, Elixir Sports at Trifemme Sports.

Ang unang dalawang bronze ay galing kay Baby Marites Bitbit sa Round 1 sa Ipoh, Malaysia, noong nakaraang linggo mula sa women’s individual pursuit at 500-meter time trial.

Show comments