$100,000 nakataya sa 2nd MVP Cup
July 14, 2006 | 12:00am
Kabuuang premyong $100,000 ang pag-aagawan ng mga pinaka-magagaling na badminton players mula sa Asia at Europe para sa pag-hataw ngayong hapon ng 2nd MVP Cup sa Araneta Coliseum.
Ang Asia ay binubuo nina Lin Dan at Zhang Ning ng China, Taufik Hidayat ng Indonesia, Wang Chen ng Hong Kong, Choon Tan Fook at Lee Wan Wah ng Malaysia, Saralee Thoung-thongkam at Sathinee Chankrachang-wong ng Thailand at sina Kennie & Kennivic Asuncion ng Pilipinas.
Binabanderahan naman nina Kenneth Jonassen at Niels Christian Kaldau ng Denmark ang Europe kasama sina Yao Jie at Mia Audina Tjiptawan ng Holland, Michel Logoz at Robert Mateuziak ng Poland, Gail Emms at Donna Kellogg ng England at sina Thomas Laybourn at Kamilla Juhl ng Denmark.
Sa nakaraang edisyon ng MVP Cup na inilaro sa Philsports Arena sa Pasig City, tinalo ng Asia ang Europe, 11-8, matapos ang tatlong araw na labanan.
Kaagad na makakasagupa ni Lin, ang kasalukuyang world No. 1, Kaldau sa ganap na alas-4 ng hapon para sa unang mens singles match kasunod ang banggaan nina Zhang at Yao sa womens game sa alas-5:30.
Magsusubukan naman sa ganap na alas-7:30 ng gabi para sa mens doubles ang tambalan nina Lee Wan Wah at Choon Tan Fook ng Asia kontra kina Michael Logosz at Robert Mateuziak ng Europe. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended