Maroons target ang win No. 3
July 13, 2006 | 12:00am
Nakatuon ang University of the Philippines sa ikatlong sunod na panalo sa kanilang pakikipagharap sa National University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakda ang sagupaan ng UP Maroons, ang team-to-beat para sa season na ito, at ng NU Bulldogs sa alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng sagupaan ng Adamson University at ng University of Santo Tomas sa dakong alas-4:00 ng hapon.
Hangad ng State U na masundan ang kanilang makapigil hiningang 94-92 panalo laban sa University of Santo Tomas noong Linggo kung saan naging bayani si Marvin Cruz na siyang umiskor ng game-winning jumper.
Sisikapin naman ng Nationals na makabangon sa kanilang 70-75 kabiguan laban sa Ateneo Blue Eagles.
"It was a very big win for the team and I hope we can continue to show what we can do as a team," pahayag ng balik-UAAP coach na si Joe Lipa.
Bukod kay Cruz, sasandal din ang Maroons kina Nestor David, Martin Reyes at ang bagitong si Migs De Asis na nagtala ng 20 puntos, tampok ang 6-for-10 shooting sa triple area.
Sina Edwin Asoro, Dave Catamora, Cyrus Malagueno at Howard Flor naman ang aasahan ng Bulldogs.
Kapwa galing ang AdU Falcons at UST Tigers sa pagkatalo na nais nilang ibaon sa limot.
Sumadsad ang Uste sa Maroons, 92-94, habang natalo naman ang Adamson sa host University of the East, 57-72, sanhi ng kanilang pagtatabla sa 0-1 kartada. (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am