^

PSN Palaro

Baylon nagbulsa ng gold medal mula sa Thai International Judo Championships

-
Muling pinatunayan ng seven-time Southeast Asian Games gold medalist na si John Baylon ang pagiging No. 1 judoka ng bansa ng bumandera ito sa kanyang kategorya sa 2006 Thailand International Judo Championships na idinaos nitong weekend sa Chanthaburi, Thailand.

Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng edad na 41, kaya pa ring makipagsabayan ni Baylon sa kanyang mga mas batang kalaban ng kanyang gibain ang mga ito sa 81 kg division upang ibulsa ang ginto sa tournament na ito na nilahukan ng 18 bansa mula sa buong Asya.

Mabilis na itinala ni Baylon ang kanyang panalo laban sa Koreanong si Kim Young-Hwan sa finals sa bisa ng ippon sa 12 segundo.

"Everybody was surprised by what he (Baylon) did. That Korean guy is one of the top judoka in his country," wika ni Philippine Amateur Judo Association (PAJA) president Dave Carter.

Nag-uwi rin ang 8-man RP judo squad ng silver medal mula kay Sidney Schwarzkopf, na umangat sa 90 kg class bago yumukod kay Matsumoto Taichi ng Japan sa finals.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Gilbert Ramirez (73 kg), Franco Teves (55 kg), Elmarie Malasan (52 kg), Estie Gay Liwanen (57 kg), Lou-Ann Jindani (63 kg), Erika Joy Ponciano (78 kg), at coach Anecia Pedroso.

ANECIA PEDROSO

BAYLON

DAVE CARTER

ELMARIE MALASAN

ERIKA JOY PONCIANO

ESTIE GAY LIWANEN

FRANCO TEVES

GILBERT RAMIREZ

JOHN BAYLON

KIM YOUNG-HWAN

LOU-ANN JINDANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with