^

PSN Palaro

Mabigat na laban sisiguruhin ni Morales laban kay Pacman

-
Sinisiguro ni Erik Morales na bibigyan niya hindi lamang ng magandang laban kundi isang mabigat na laban si Manny Pacquiao sa kanilang muling paghaharap sa Nob. 18 sa Las Vegas.

Ngayong araw ay tutungo si Morales sa Los Angeles upang kumunsulta sa mga dalubhasa sa pagbabawas ng timbang gaya ng nutritionist at physical conditioning coach, ayon sa Mexican media.

Sa susunod na buwan naman ay agad na tutungo si Morales sa Tijuana upang simulan na ang pag-eensayo. Sa buwan naman ng Setyembre ay aakyat na ito ng Otomi Mountains sa Mexico para sa training proper.

"Kung tinalo ko si Pacquiao noong una kaming naglaban ay wala akong nakitang rason para hindi na maulit muli iyon," wika ni Morales nang makapanayam ito sa binyag ng kanyang anak na lalaki na si Erik Isaac sa Tijuana.

Tinalo ni Morales sa pamamagitan ng desisyon si Pacquiao noong Marso 2005 subalit yumukod ito ng talunin ni Pacquiao sa pamamagitan ng tenth round knockout nito lamang Enero sa Las Vegas. (JMMarquez)

vuukle comment

ENERO

ERIK ISAAC

ERIK MORALES

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MARSO

NGAYONG

OTOMI MOUNTAINS

PACQUIAO

TIJUANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with