Tinalo nina Chester Cordero at Dalia Santiago sina Rey Selga at Kathleen Anasco, 21-17, 21-11, sa second mixed doubles na may katumbas na 2-points para sa Starmen.
Nakipagtambal naman si Cordero kay Jhona Magnaye para igupo sina Joel Noga at Flor Vivas, 21-8, 21-15, sa unang mixed doubles bago ang panalo nina Rodolfo Gutierrez at Jopet Sison laban kina Selga at Allan Dilia sa mens doubles, 21-17, 21-15.
Ang tanging panalo ng Meralco ay mula kina Criselda Sarabia at Diana Barbo nang kanilang igupo sina Melody Villaceran at Analyn Delgado, 21-19, 21-17 sa ladies doubles.
Ipinakita nina Karyn Velez at Ronnel Estanislao na sila ang mga susunod na badminton superstars nang kanilang igupo sina Gelita Castillo at Ralph Hidalgo ayon sa pagkakasunod sa pamamagitan ng impresibong tagumpay para makopo ang juniors crowns.
Sa pagdomina ni Velez ng 16-under division ng un-official national championships, naging magaan ang panalo ng Golden Shuttle Foundation bet laban kay Castillo, 21-9, 21-11 para sa titulo ng girls division.
Matapos kumampanya sa elite division, kung saan nakarating ito sa semifinals, nahirapan muna sa unang set si Estanislao bago nito kinontrol ang ikalawang set para sa 21-18, 21-11 victory sa boys side.