Phil. Star kampeon sa JVC Open Corporate division
July 10, 2006 | 12:00am
Napanatili naman ng The Philippine Star ang corporate crown sa paggupo sa Meralco, 4-1, para sa top P50,000 purse sa pagtatapos ng P1 million JVC Open Badminton Championships sa Glorietta kahapon.
Tinalo nina Chester Cordero at Dalia Santiago sina Rey Selga at Kathleen Anasco, 21-17, 21-11, sa second mixed doubles na may katumbas na 2-points para sa Starmen.
Nakipagtambal naman si Cordero kay Jhona Magnaye para igupo sina Joel Noga at Flor Vivas, 21-8, 21-15, sa unang mixed doubles bago ang panalo nina Rodolfo Gutierrez at Jopet Sison laban kina Selga at Allan Dilia sa mens doubles, 21-17, 21-15.
Ang tanging panalo ng Meralco ay mula kina Criselda Sarabia at Diana Barbo nang kanilang igupo sina Melody Villaceran at Analyn Delgado, 21-19, 21-17 sa ladies doubles.
Ipinakita nina Karyn Velez at Ronnel Estanislao na sila ang mga susunod na badminton superstars nang kanilang igupo sina Gelita Castillo at Ralph Hidalgo ayon sa pagkakasunod sa pamamagitan ng impresibong tagumpay para makopo ang juniors crowns.
Sa pagdomina ni Velez ng 16-under division ng un-official national championships, naging magaan ang panalo ng Golden Shuttle Foundation bet laban kay Castillo, 21-9, 21-11 para sa titulo ng girls division.
Matapos kumampanya sa elite division, kung saan nakarating ito sa semifinals, nahirapan muna sa unang set si Estanislao bago nito kinontrol ang ikalawang set para sa 21-18, 21-11 victory sa boys side.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended