Piencenaves vs Flores sa JVC Open finals
July 8, 2006 | 12:00am
Kapwa nagtala sina Ian Piencenaves at Christopher Flores ng come-from-behind victories sa magkahiwalay na laban upang isaayos ang showdown para sa mens singles crown habang itinakda naman nina Irene Chiu at Alma Ledesma ang kanilang finals match sa ladies division matapos makalusot sa magkahiwalay na semis match sa P1 million JVC Open Badminton Championships sa Glorietta kahapon.
Binalikan ni Piencenaves, ang 2003 champion ng Butuan Badminton Club, ang kanyang dating porma upang itala ang 22-24, 21-13, 21-16 panalo laban kay top seed Lloyd Escoses habang nakabawi naman si Flores, isa sa mainstays ng FEU, sa kanyang masamang simula upang makopo ang 18-21, 26-24, 21-14 panalo laban kay Melvin Llanes sa centerpiece elite masters division ng event na ito na sponsored ng JVC (PHILS.), Inc.
Nagpamalas naman ng solidong laro si top seed Chiu ng RTC Badminton, upang igupo si Karyn Velez ng Golden Shuttle Foundation sa straight sets, 21-17, 21-15, habang dinispatsa naman ng second-ranked na si Ledesma, si Jertie Kagalingan sa pamamagitan ng 21-4, 13-21, 21-16 victory.
Nakataya ang P35,000 top purse sa elite, veterans-masters at veterans-non pro divisions.
Paglalabanan naman ng The Philippine Star at Meralco ang P50,000 purse sa corporate category sa pagsisimula ng aksiyon sa alas-11:00 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended