^

PSN Palaro

PFF nahaharap sa kasong estafa

-
Kasong Estafa ang napipintong harapin ng Philippine Football Federation (PFF) matapos magbanta si Jose Vito Borromeo, pangulo ng National Capital Region Football Association (NCRFA) sasampahan niya ng kasong estafa ang PFF sa Regional Trial Court.

Ayon kay Barromeo, patuloy na tumatanggi ang pangulo ng PFF na si Johnny Romualdez na ipakita ang financial records ng asosasyon.

Sapat na itong dahilan ayon kay Barromeo para magsampa ng kaso base na rin sa corporate code ng Securities Of Exchange Commission.

"We will do everything available for us to do. We have strong evidence to support our case," ani Boromeo.

Nagtungo ang mga accountants ng NCRFA na sina Bonifacio Santiago at Robbie Santos, kasama Laguna Football Association president Arturo Pacificador Jr. para makipagkita kay Romualdez kahapon sa PFF Office sa PhilSports Complex sa Pasig City para alamin ang transaksiyon ng PFF nitong huling tatlong taon.

Ngunit sinabi ni Romualdez kailangan pa ng dalawang linggo para makumpleto ang auditing ng financial record book.

"It is now very clear that Johnny (Romualdez) is hiding something and this is enough reason also for us to pursue our cause even in the court," ani Borromeo.

Ayon kay Pacificador, gumagastos ang PFF ng tinatayang P92 milyon sa huling tatlong taon ngunit walang malaking development sa kanilang asosasyon dahil sa kasalukuyang nasa No. 42 pa rin ang Philippines sa 44-nations ng buong Asya. (Carmela V. Ochoa)

ARTURO PACIFICADOR JR.

AYON

BARROMEO

BONIFACIO SANTIAGO

CARMELA V

JOHNNY ROMUALDEZ

JOSE VITO BORROMEO

KASONG ESTAFA

LAGUNA FOOTBALL ASSOCIATION

ROMUALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with