Mabangis pa rin ang Stags
July 8, 2006 | 12:00am
Hindi magiging isang five-time champions ang San Sebastian College-Recoletos kung wala silang ibubuga.
Mula sa isang 8-point deficit sa fourth quarter, bumangon ang Stags sa overtime period upang gibain ang host College of St. Benilde Blazers, 89-85, at pigilin ang kanilang dalawang sunod na kamalasan sa 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang naturang panalo ang nagbigay sa San Sebastian ng 2-3 kartada na siyang tumapos sa kanilang two-game losing skid, habang nadulas naman sa 1-3 ang baraha ng St. Benilde kasama ang dalawang dikit na kabiguan.
"The boys showed their true character," sambit ni coach Raymond Valenzona. "Hopefully, ma-sustain namin ito sa mga susunod naming laro."
Binuksan ng Stags ang extension period sa likod ng 3-point shot ni Jim Viray, kumolekta ng 23 points, 7 boards, 3 assists at 2 shotblocks, para sa kanilang 79-76 lamang patungo sa kanilang 85-80 pag-iwan sa Blazers, 2:48 rito.
Huling naidikit ng St. Benilde ang laro sa 85-87 agwat buhat sa tres ni Martin Urra sa huling 5.2 segundo kasunod ang freethrows ni Mark Lindaya para sa 89-85 abante ng San Sebastian sa nalalabing 4.4 tikada.
Nauna rito, tumipa ng dalawang freethrows si Urra sa huling 18.7 segundo sa fourth quarter para itulak ang Blazers sa overtime period, 76-76, matapos ang drive ni Red Vicente para sa 76-74 abante ng Stags sa 38.9 tikada nito.
Itinala ng St. Benilde ang malaking 53-41 abante sa huling 2:36 ng third period mula sa dalawang freethrows ni Kris Robles bago naibaba ng San Sebastian sa 50-58 sa pagpinid nito.
Sa juniors division, sinilo naman ng nagdedepensang Staglets ang kanilang 4-0 marka matapos talunin ang Greenies, 78-70, na nagtala sa 2-2 ng huli. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am