Reyes, Bustamante dadayo sa China
July 6, 2006 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon tutungo sa Guangzho, China ang pangunahing 9-Ball Tour sa Asya, ang San Miguel Asian 9-Ball Tour para sa isang espesyal na six-man exhibition sa July 16.
Inorganisa ng ESPN Star Sports, Guangdong TV at China Billiards & Snooker Association, dadalhin ng San Miguel Asian 9-Ball tour ang kapana-panabik na aksiyon sa 9-ball para magpakitanggilas ng kanilang de kalidad na kakayahan sa harap ng mga Intsik sa City of flowers.
Kakatawanin nina 2006 Ho Chi Minh leg champion Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante ang Philippines habang ang Chinese contingent ay kakatawanin nina Ho Chi Minh leg runner-up Li He Wen at national team coach, Xu Meng. Bilang dagdag na kasiyahan lalaban din si National Womens Champion Pan Xiao Ting ng China sa torneo.
Kukumpleto sa listahan ng exhibition match ay ang defending World Pool Champion na si Wu Chia-Ching ng Chinese Taipei.
Isasaere ng Star Sports ang exhibition tournament sa July 23 sa ganap na alas-7 ng gabi (Manila time).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended