Pormal na inilunsad ang 2006 season ng UAAP kahapon sa 13th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN.
Sinuspindi ang La Salle sa lahat ng events ng season na ito bunga ng dalawang ineligible players kayat pitong teams lamang ang maglalaban-laban sa taong ito.
Labis na maaapektuhan ang defending champion Far Eastern U sa pagtatapos nina 2005 MVP Arwind Santos, big man Mark Isip at guard RJ Rizada.
Dahil dito, malaki ang tsansa ng host na UE Red Warrios na makuha ang titulo dahil kina Marcy Arellano, Mark Borboran, Bonifacio Custodio, Robert Labagala.
Samantala, itinanggi naman ng pamunuan ng Ateneo ang balitang parehong ineligible players sina Japet Aguilar at Jobe Nkemakolam noong panahon na naglaro ang mga ito sa Ateneo.
Ayon sa statement ng Ateneo, pinagbigyan ni Aguilar ang kahilingan ng kanyang amang mag-tryout sa isang NCAA division 1 team school sa Amerika habang hindi naman nakapasa sa team A si Nkemakolam. (CVOchoa)