^

PSN Palaro

UE Red Warriors may laban ngayon

-
Sa pagkawala ng La Salle sa eksena at pagkawala ng mga key players ng defending champion Far Eastern University, sinasabing team to beat ngayon ang University of the East sa nalalapit na pagbubukas ng basketball competition ng 69th season ng University Athletics Association of the Philippines.

Pormal na inilunsad ang 2006 season ng UAAP kahapon sa 13th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN.

Sinuspindi ang La Salle sa lahat ng events ng season na ito bunga ng dalawang ‘ineligible players’ kaya’t pitong teams lamang ang maglalaban-laban sa taong ito.

Labis na maaapektuhan ang defending champion Far Eastern U sa pagtatapos nina 2005 MVP Arwind Santos, big man Mark Isip at guard RJ Rizada.

Dahil dito, malaki ang tsansa ng host na UE Red Warrios na makuha ang titulo dahil kina Marcy Arellano, Mark Borboran, Bonifacio Custodio, Robert Labagala.

Samantala, itinanggi naman ng pamunuan ng Ateneo ang balitang parehong ‘ineligible players sina Japet Aguilar at Jobe Nkemakolam noong panahon na naglaro ang mga ito sa Ateneo.

Ayon sa statement ng Ateneo, pinagbigyan ni Aguilar ang kahilingan ng kanyang amang mag-tryout sa isang NCAA division 1 team school sa Amerika habang hindi naman nakapasa sa team A si Nkemakolam. (CVOchoa)

vuukle comment

ARWIND SANTOS

ATENEO

BONIFACIO CUSTODIO

FAR EASTERN U

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAPET AGUILAR

JOBE NKEMAKOLAM

LA SALLE

MARCY ARELLANO

MARK BORBORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with