^

PSN Palaro

UAAP Season 69 handa nang sumambulat

-
Naghanda na ang Season 69 host University of the East ng kaaya-ayang opening rite na hudyat ng panimula ng University Athletics Association of the Philippines sa Sabado, ala-una ng hapon sa Araneta Coliseum.

Tampok sa seremonya ang pagkilala sa mga pinakamahuhusay at pinakamaniningning noong nakaraan taon, partikular na ang general champion na University of the Philippines sa senior at UE sa juniors na pormal na tatanggapin ang kani-kanilang tropeo.

Malugod ding tatanggapin ng UAAP ang dalawang bagong miyembro ng UAAP Board--sina Hercules Callantana makakasama si Sergio Cao ng University of the Philippines at Bernardo Rances ng Adamson University na makakasama naman ang league president noong nakaraang taon na si Rev. Fr. Maximo Rendon. Pinalitan ni CM Callanta si Dean Gilda Uy habang si Rances naman ay kapalit ni Dr. Ricardo Matibag, ang secretary-treasurer noong nakaraang season.

Napanatili naman ng iba pang member universities ang kani-kanilang kinatawan sa board, ayon kay Season 69 president Luz Sta. Ana ng UE. Ito ay sina Rev. Fr. Ermito De Sagon O.P. at Felicitas Francisco ng UST, Dr. Arline Royo at Roberto Paguia ng National University, Anton Montinola at Jocelyn De Leon ng Far Eastern University at Jose  Capistrano Jr. at Richard Palou ng Ateneo.

Malugod din na tatanggapin ng liga ang pagpasok ni Elmer Yanga sa kanilang liga bilang commissioner. Pinalitan ni Yanga si Joe Lipa na nagbalik-coach sa UP.

Pagkatapos ng isang oras na opening ceremonies, na dadaluhan din ng mga dating Red Warriors, isusunod ang bakbakan sa seniors sa pagitan ng UE at Adamson sa alas-2 ng hapon at Ateneo at NU sa alas-4 ng hapon.

ADAMSON UNIVERSITY

ANTON MONTINOLA

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BERNARDO RANCES

CAPISTRANO JR.

DEAN GILDA UY

DR. ARLINE ROYO

DR. RICARDO MATIBAG

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with