Ang inaasahang susunod na laban ni Pacquiao ay laban sa Mexicanong si Eric Morales sa ikatlong pagkakataon sa November 18 pa.
Ngunit kailangang mas maagang simulan ni Pacquiao ang paghahanda laban kay Morales na inaasahang muling gaganapin sa Las Vegas.
Sinabi ni Manny Pacquiao na hindi na niya pagbibigyan ng rematch si Larios dahil nakatuon ang kanilang direksiyon sa Pacquiao-Morales III.
Kailangang harapin ni Morales si Pacquiao sa 130 lbs division na nakasaad sa pinirmahang kontrata ni Pacquiao.
"Mannys going to be protected in the third Morales fight," sabi ng American manager ng Pinoy boxing hero na si Shelly Finkel.
Sinabi ni Finkel na kung hindi lalabanan ni Morales si Pacquiao sa naturang weight category ay may malaking halagang matatanggap ang pambansang kamao ayon sa American promoter na si Bob Arum.
"Mr. Arum has put up a huge amount that will go to Manny in case Morales goes over the weight. And Pacquiao wont have to face Morales if that happens," sabi pa ni Finkel. "Bob Arum wouldnt put up that (unspecified) amount if he knew he would lose it." (Carmela Ochoa)