Matagumpay na nakabangon mula sa 1-3 deficit sa best-of-seven semifinal series ang Purefoods na kumuha ng ikatlong sunod na tagumpay para maging ikatlong team na nakabangon mula sa 1-3 sa serye bukod sa Ginebra at Shell para angkinin ang unang finals berth.
Makakaharap ng Purefoods sa best-of-seven championship series, ang mananalo sa pagitan ng San Miguel at Red Bull na kasalukuyang naglalaban sa do-or-die game ng kanilang sariling semis series.
Umabante na ng 13-puntos ang Purefoods sa 85-72 papasok sa huling 5:06 minuto ng labanan ngunit hinayaan ng Purefoods na maupos ang kanilang bentahe.
Gumawa ng malaking rally ang Aces sa pamamagitan ng 13-3 run upang makalapit sa 85-87, 37 segundo na lamang. (Carmela Ochoa)