Star-studded ang Pacquiao-Larios match
July 3, 2006 | 12:00am
Umiskor din ng malaking panalo ang tatlong Pinoy na sina Cesar Amonsot, Gerry Peñalosa at Jimrex Jaca laban sa kanilang mga Mexicanong kalaban sa undercards.
Nagtala sina Amonsot at Peñalosa ng unanimous decision laban kina Silverio Ortiz at Tomas Rojas ayon sa pagkakasunod habang nagposte naman si Jaca ng technical decision laban kay Hector Marquez nang itigil ang laban, 2:08 minuto ang oras sa ika-pitong round sanhi ng head butt.
Hindi man sellout crowd ang labang ito sa Araneta Coliseum, napuno rin ang venue na dinayo ng mga sikat na bituin na sumaksi sa kanyang unanimous decision win matapos ang 12 rounds.
Buong-buo ang suporta ng crowd kay Pacquiao na binigyang lakas ng live audience partikular na sa ikatlong round nang tanggapin ng Pinoy boxing hero ang sunud-sunod na suntok ng Mexican challenger, nang umalingawngaw ang Manny, Manny, Manny sa Big Dome.
Star-studded ang laban ni Pacquiao dahil sa pagdating ng mga artista na sina Jinggoy Estrada, Rudy Fernandez, Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, mag-asawang Aga at Charlene Mulach, mag-asawang Claudine at Raymart Santiago, ang mag-asawang Dennis Padilla at Marjorie Barreto, Rosanna Roces, Aiko Melendrez, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Christine Hermosa, at iba pa.
Hindi rin pinalampas ng mga business tycoons na sina Manny Pangilinan at Zobel de Ayala para panoorin ang laban.
Naging madamdamin ang national anthem bago simulan ang laban sa pag-awit ni Bituin Escalante ng Lupang Hinirang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 29, 2024 - 12:00am