^

PSN Palaro

DLSU Lady Archers vs SSC Lady Stags

-
Ang pinakamagaling ng UAAP at pinakamahusay ng NCAA ang magtatagpo sa paghaharap ng De La Salle University at San Sebastian College sa Game One ng V-League na ipiniprisinta ng Shakeys kung saan tampok din ang labanan ng dalawang Thai import sa Blue Eagle Gym.

Ang Lady Stags, reigning NCAA champions ay nakausad sa finals makaraang dispatsahin ang Adamson, 25-13, 25-16, 23-25, 27-25, sa kanilang knockout duel noong Huwebes.

Ang Lady Archers, na pinupuntirya ang kanilang ikatlong sunod na korona sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision, na nakuha ang unang finals berth ay pinagpahinga pa ang kanilang Thai import na si Jindarat Kanchana sa loob ng apat na laro.

Ngunit sa pagbabalik ni Kanchana mula sa knee injury ngayong alas-2 ng hapon asahan ang mainit na ganti sa kababayang si Jaroensri Bualee ng San Sebastian.

Samantala, kikilalanin ang mga pinakamaniningning at pinakamagagaling na players ng torneo sa isang simpleng awarding bukas bago ang laban.

vuukle comment

ANG LADY ARCHERS

ANG LADY STAGS

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE UNIVERSITY

GAME ONE

JAROENSRI BUALEE

JINDARAT KANCHANA

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with