PCU solo lider
July 1, 2006 | 12:00am
Umiskor si Jason Castro ng go-ahead floater sa huling 13.9 segundo ng labanan upang iangat ang Philippine Christian University sa 74-72 panalo laban sa San Sebastian College sa 82nd NCAA mens basketball wars sa Ninoy Aquino Stadium.
Inangkin ng PCU Dolphins ang solong pamumuno matapos itala ang 2-1 win-loss slate kasunod ang walang larong defending champion Colegio de San Juan de Letran habang bumagsak naman ang SSC Stags sa 1-2 win-loss slate.
Matapos itabla ni Mark Lindaya ang iskor sa72-all sa pamamagitan ng freethrows mula sa foul ni Castro, 43-segundo na lamang, pinuwersa ng Stags ang turnover nang hindi masalo ni Lindaya ang pasa ni Red Vicente.
Samantala, sa naunang seniors game, sumandal ang host College of St. Benilde sa kanilang outside shooting tungo sa 79-76 panalo kontra sa University of Perpetual Help Dalta.
Bumawi ang CSB Blazers sa kanilang nakakadismayang 0-20 three-point shooting sa pagkatalo sa defending champion Colegio de San Juan de Letran sa pamamagitan ng 11-of-28 three point shooting para isulong ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.
Sa mens volleyball, nakabawi ang defending champion PCU sa kanilang mahinang simula upang igupo ang San Sebastian sa apat na sets, 25-22; 23-25; 25-7; 25-15. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended