Mamiit pasok sa Wimby

May ipagmamalaki na naman ang bansang Pilipinas nang makapasok ang Manila SEA Games Men’s Singles Gold Medalist na si Cecil Mamiit, tanging Pinoy at isa sa tatlong Asyanong nakapasok sa men’s doubles main draw sa ginaganap na Wimbledon tennis championship.

Si Mamiit, ang ipinagmamalaki ng Alaminos, Laguna, ay agresibong naglalaro ng tennis sa mga nakaraang buwan lalo na sa doubles kung saan nagwagi na ito ng tatlong titulo sa mahigpit na US$50,000 Challengers na iba’t iba ang kapareha.

Ang resulta ay nagbigay sa kanya ng tsansang makalaro sa 16 team qualifying at makausad sa main sraw katambal si American Kevin Kim. Ang dalawa pang Asyano ay sina Leander Paes at Mahesh Bhupathi ng India.

Makakalaban nina Mamiit at Kim sa unang round ng men’s doubles sina Juan Ignacio Chela ng Argentina at Luis Horna ng Peru.

Show comments