P.5M multa sa Red Bull at kay Guiao
June 28, 2006 | 12:00am
Mabigat na kaparusahan ang tinanggap ng Red Bull kapalit ng kanilang pagpapakita ng pagkadismaya sa officiating ng Game-Four ng kanilang semifinal series ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup laban sa San Miguel Beer noong Linggo.
Dahil sa pagwo-walk-out ng Red Bull sa ikalawang quarter ng larong pinagwagian ng Beermen, pinagmulta ang Photokina Franchise ng kabuuang mahigit kalahating milyon.
Ayon sa PBA Commissioner office, matapos ang pagrerebisa ng mga tapes at base na rin sa statement ng mga opisyal ng Red Bull na sina Team Manager Tony Chua, Coach Yeng Guiao, Team Consultant Andy Jao at iba pang nakasaksi, walang dahilan para iwanan ng Red Bull ang laro.
Pinagmulta ng P400,000, ang pinakamalaking fine sa kasaysayan ng liga, dahil sa paglisan ng buong tropa ng Red Bull sa court at dalawang minutong nasa dugout ng Araneta sanhi ng pagkaantala ng laro.
Pinagmulta naman si Coach Yeng Guiao ng P100,000.00 dahil inamin nitong siya ang nag-utos ng walkout, dahil sa kanyang mga hindi magandang sinabi laban sa liga at dahil na rin sa kanyang hindi magandang inasal sa naturang laro kung saan nakita itong nag-dirty finger.
Pinagmulta rin si Lordy Tugade ng P6,000.00 dahil nakita rin itong nag-dirty finger sa mga opisyal ng PBA habang pinag-fine naman ang team scorer na si Edgar Fernandez P1,000.00 dahil sa mga hindi magandang sinabi nito laban sa mga opisyal ng liga.
Samantala, gusto ni Tim Cone ay tapusin ang kanilang trabaho sa semifinal series ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup at pormal na makapasok sa finals.
Ito ang kanilang pakay ngayon sa muling pakikipagharap sa Purefoods sa Game-Five ng kanilang semis series sa unang laro sa alas-4:40 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Sa tampok na laro, inaasahang magiging matensiyon ang sagupaan ng San Miguel Beer at Red Bull sa alas-7:35 ng gabi sa Game-Five ng kanilang sariling serye kung saan ang magtatagumpay ngayon ay makakalapit sa finals.
Umigsi sa best-of-three ang semis series ng Bulls at SMBeer matapos maitabla sa 2-2 panalo ng San Miguel ang serye sa pamamagitan ng 106-82 panalo noong Game-Four.
Ang mananalo sa dalawang semis series na ito ang siyang maghaharap sa isa na namang best-of-seven titular showdown para sa korona ng ikalawang kumperensiyang ito. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest