Tinalo ni Villanueva ng UST si Jayveelyn Fronda sa ikaapat na round bago biniktima si Luke Farre, Teorwin Talapian at Junar Valeros upang maitala ang natatanging perfect score matapos ang pitong round sa 20-and-under category.
Nagbulsa si Villanueva ng P5,000 sa tagumpay na ito at hatakin ang dalawa pa sa grand finals ng taunang event na hatid ng Pilipinas Shell sa October sa SM North Edsa.
Sa kabilang dako, nakipagdraw si Fronda kay Hari-das Pascua sa final round at talunin din sa huli kasama si Loren Laceste para sa tie-break upang makopo naman ang korona sa kiddies na may 6.5 puntos at halagang P4,000. Umusad din ito sa grand finals kasama sina Pascua at Laceste na nanaig kina Nigel Gialan para sa ikatlong round.
Ang iba pang awardees ay sina Christy Bernales ng UE, overall top female player at four-year-old Carlos Adamos ng Babys Breath Day Care, ang pinakabatang partisipante sa 504-player field.