Susuntok ng gintong medalya sina veteran internationalists Harry Tañamor (lightflyweight), Violito Payla (flyweight), Godfrey Castro (bantamweight), Genebert Basadre (lightweight), Romeo Brin (welterweight), Francis Joven (light-heavyweight) at Maraon Golez (heavyweight) sa kani-kanilang finals sa Lunes ng gabi.
Kung mahigpit na pinapaboran ang Army-men para sa overall title ng isang linggong kompetisyon na ito na hatid ng Pacific Heights, determinado rin ang Parañaque boxing team na pigilan ang gagawing pananalasa ng Army.
Limang boksingero ng Elorde-Parañaque ang umusad sa finals at ito ay sina--Warlito Parreñas (flyweight), Joan Tipon (bantamweight), Junel Cantancio (featherweight), Juan Martin Elorde (lightweight) at Delfin Boholst (lightwelter-weight).
Ang pinakamalaking pagtitipon na ito ng mga pangunahing amateur boxers sa bansa ay nasa ilalim ng pamahahala ng Amateur Boxing Association of the Philippines na pinamumunuan ni Manny Lopez at suportado nina Lanao del Norte Gov. Imelda Quibranza Dimaporo at Rep. Bobby Dimaporo.
Pinigil ni Marvin Somodio NG University of Baguio-Shape Up Gym ang Army na makausad ang kanilang pinweight division sa finals makaraang igupo si Bill Vicera, 18-15 at makaharap para sa gold medal si Daniel Fuentes ng Davao del Norte.
Dalawang boksingero mula sa Olongapo City ay pumasok sa finals, ito ay sina Artist Martin Jr (srs. middleweight) at Arvin Ferreria (jrs. lightwelter-weight). Sa juniors, pinapaboran naman ang Davao del Norte na magkakampeon nang pitong boxers nito ang nakausad sa finals.
Sa womens division, muling ibinalik nina Alice Kate Aparri ng UB-Shape-Up at Gretchen Abaniel ng Puerto Princesa City ang kanilang labanan sa pinweight division habang maglalaban para sa gold sina Lyn Digmayo at Jouvielet Chilem, kapwa UB-Shape-Up, sa featherweight gold.