Matapos bumagsak sa No. 3 spot dahil sa back-to-back losses, tangka ng Lady Stags ang ikalimang panalo sa Lady Tams sa alas-12:00 ng tanghaling sagupaan para makahabol sa 5-of-8 incentive na magbibigay sa kanila ng tsansa sa championship slot.
Hawak na ng Adamson ang second spot na may 9-5 card sa pagsasara ng kanilang kampanya sa semis sa pakikipagharap sa unang finalist na De La Salle sa alas-2-:00 ng hapon na preview ng championship.
Ang pagkatalo ng San Sebastian ay magbibigay daan sa DLSU-Adamson showdown para sa championship sa event na ito na hatid ng Shakeys Pizza at Sports Vision.
Aasa si San Sebastian coach Roger Gorayed kina Thai import Jaroensri Bualee, Joy Pulido, Rysabelle Devanadera, Laurence Latigay at Ma. Theresa Iratay.
Ngunit kahit wala na sa kontensiyon ang FEU, dahil sa 5-9 kartada, hangad din nila na makagawa ng magandang pagtatapos sa torneong ito na suportado rin ng Mikasa, Accel, Vfresh, Aquabest, ABC-5 at ABC Sports.