Tinalo ng RCBC ang Shell, 2-1,bago nila blinangko ang Del Monte, 3-0, upang parisan ang 2-0 ng Accenture, Toyota at defending champion Philippine Star sa event na ito na simula ng week-long eliminations ng ibat ibang divisions, kabilang ang elite at juniors divisions na magbubukas ngayon.
Iginupo ng Accenture ang ABS-CBN, 2-1, bago na-sweep ang PDIC, 3-0, para pamunuan ang Group 2 sa eight-cluster corporate division, na may premyong P50,000 sa champion. .
Naka-2-0 din ang Toyota Motor Phils. Corp., na nanalo sa Holcim, 2-1, at Total Phils. Corp., 2-1 gayundin ang Philstar, na nagposte ng 3-0 panalo laban sa Del Monte at Pilipinas Shell.
Nakasiguro na ang RCBC, Philstar, Accenture at Toyota ng puwesto sa last 16 kung saan ang RCBC at Philstar ay mag-aagawan sa pamumuno sa Group 1sa final day ng qualifying sa Saturday.
Pagkatapos ng round robin competition, ang top two squads sa bawat group ay uusad sa round of 16 sa July 1, sa PowerSmash at ira-rank ang winners ayon sa bilang ng team ties won para sa quarterfinals sa July 2 sa Glorietta Activity Center.
Nakabawi ang ABS-CBN sa pagkatalo sa Accenture sa panalo kontra sa Malayan Insurance, 3-0, na nagbigay sa kanila ng pag-asa sa last 16. Tulad ng ABS-CBN, ang Malayan ay mayroon ding 1-1 card matapos manalo sa PDIC, 2-1, sa Group 2.
Nanalo naman ang AB Leisure sa JVC, 3-0.