^

PSN Palaro

Adamson nabulilyaso sa Lyceum

-
Binigo ng Lyceum ang kampanya ng Adamson University na mabitbit ang pagwawagi sa kanilang inaasahang showdown ng San Sebastian College para sa ikalawang finals berth makaraang humatak ang Lady Pirates ng kapana-panabik na 14-25, 32-30, 25-23, 18-25, 15-10 panalo sa penultimate playdate ng semi-final round ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Talsik na sa karera para sa kampeonato, magiting na nakipaglaban ang Lyceum nang biguin nila ang 33 point performance ni Cherry Macatangay sa pamamagitan ng matatag na laban sa deciding set at tapusin ang kanilang kampanya ng may kasiyahan.

Ang Lyceum ay nagtapos na may 8-7 baraha at lalaban para sa ikatlong puwesto kontra sa mabibigo sa pagitan ng Adamson-SSC duel para sa ikalawang finals slot.

Nagpakita ng kanyang tunay na porma si Ma. Concepcion Legaspi, third best scorer sa liga na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision, sa kanyang hinakot na 29 puntos na sinuportahan nina Beverly Boto, Dahlia Cruz at Sherrilyn Carrillo, na may 12, 11 at 10, ayon sa pagkakasunod ngunit malamang na mawala ang momentum na kailangan kung makakalaban pa nila ang SSC sa knockout duel para sa karapatang harapin ang Lady Archers para sa korona.

Para makapuwersa ng playoff ang Lady Stags ay kailangang manaig sa FEU spikers bukas para makuha ang 5-of-8 incentives na ibinibigay ng liga.

Sa ikalawang laro, pinataob ng nauna ng finalist na La Salle ang FEU, 25-20, 26-24, 25-16.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANG LYCEUM

BEVERLY BOTO

BLUE EAGLE GYM

CHERRY MACATANGAY

CONCEPCION LEGASPI

DAHLIA CRUZ

LA SALLE

LADY ARCHERS

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with