Larios darating ngayon

Darating si Oscar Larios, ang ipinagmamalaki ng Mexico na hahamon kay Pinoy ring icon Manny Pacquiao para sa WBC international super-featherweight title, ngayong ala-una ng hapon upang panguhan ang five-man team Mexican invasion ng mga boxers kontra sa pinakamahuhusay na Pinoy boxers sa pinanabikang Mano-A-Mano Pilipinas contra Mexico showdown sa Linggo, July 2 sa Araneta Coliseum.

"Oscar has trained so hard at the Teiken gym in Tokyo. We don’t worry ourselves with the odds. We would rather continue preparing for the July 2 fight," anang Mexican promoter na si Rafael Mendoza, na palihim na dumating ng bansa noong Huwebes upang silipin ang training gym at running ground na pagsasanayan ni Larios dito sa bansa.

Kasama ni Larios na darating ngayon sina Eric Gomez, kinatawan ng Golden Boy Promotions; Jose Reynoso, manager; Edison Reynoso, trainer; Teodoro Larios, ama at masseur ni Larios. Darating din si Miguel Diaz, isa pang opisyal, bago ang laban.

Samantala, ang Russian sparringmate ni Pacquiao na si Rustam Nugaev ay pumirma rin para sa laban para maging trination championship ang labanan. Makakaharap ng Ruso si Dennis Laurente ng Parañaque sa kick off preliminary bouts.

Show comments