^

PSN Palaro

Peñalosa, umaasa rin ng tagumpay

-
Hindi lamang si Manny Pacquiao ang umaasang mananalo sa harap ng kanyang mga kababayan, kundi maging si Gerry Peñalosa.

Ayon kay Peñalosa, dating world super flyweight champion, nakasalalay sa kanyang ilalaban ang pagkakataong muling makahirit ng isang world title fight sa World Boxing Association.

"Siyempre, ayoko namang pakawalan itong pagkakataon na ito kung mananalo ako," wika ng 33-anyos na tubong Cebu City, kasabay ni Pacquiao sa pagsasanay sa boxing gym ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Isa si Peñalosa sa mga Filipino fighters na nasa undercard ng upakan nina Pacquiao at Mexican Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.

Makakasagupa ni Peñalosa si Mexican Tomas Rojas sa super flyweight division.

Sakaling manalo si Peñalosa, kumpare ni Pacquiao, sa kanyang laban kay Rojas, posible siyang mabigyan ng title shot sa WBA na siyang pinaghaharian ngayon ni Japanese Nobuo Nashiro.

Nakatakdang itaya ni Nashiro ang kanyang WBA super flyweight crown laban kay Mexican challenger Martin Castillo sa kanyang balwarte sa Osaka, Japan sa Hulyo 22.

"Sana ipagdasal n’yo ako na manalo ako sa laban ko sa July 2 para mabigyan ulit ako ng isa pang pagkakataon na makalaban sa world championship," ani Peñalosa. (Russell Cadayona)

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARANETA COLISEUM

CEBU CITY

GERRY PE

HULYO

JAPANESE NOBUO NASHIRO

MARTIN CASTILLO

MEXICAN OSCAR LARIOS

MEXICAN TOMAS ROJAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with