^

PSN Palaro

SEAG veterans nagparamdam

-
PALAYAN CITY — Maagang nagparamdan ng lakas sina Southeast Asian Games veterans Eduardo Buenavista at Arneil Ferrera makaraang pagharian ang kani-kanilang paboritong events sa pagsisimula ng 2006 Milo National Open Invitational Athletics Championships sa Nueva Ecija Sports Complex.

Itinala ni Buenavista ng Philippine Air Force (PAF) ang bilis na 14 minuto at 47.80 segundo sapat upang sikwatin ang gintong medalya sa men’s 5,000-meter run sa event na itinaguyod ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) chief Go Teng Kok.

"Magandang training ito para sa akin. Siguro after ng National Open, puspusan na ang preparasyon para sa Asian Games sa December," pahayag ni Buenavista na hahataw rin sa 10,000m run bukas.

Sumegunda ang ka-tropa nitong si Airman Julius Sermana na may isinumiteng 15:06.00 kasunod sa tersera si Abraham Barcase ng Far Eastern University.

Ratsada rin ang reigning SEA Games champion na si Ferrera sa men’s hammer throw nang irehistro nito ang impresibong 54.38 metro sa torneong suportado rin ng local na pamahalaan ng Nueva Ecija at ng AMA Computer University, Petron, Globe, Fontana Leisure Resort at Creativity Lounge.

Nasa ikalawang puwesto si Jerro Perater ng PAF sa kaniyang 48.71 metro distansiya habang pumangatlo si Jarim Agustin ng Philippine Army (PA) na may 36.55 metrong nailagak.

Sa iba pang resulta, naidepensa ni Narcisa Atienza ng PA ang kanyang titulo sa women’s high jump matapos ukitin ang 1.80 metro para pagkasyahin sa ikalawang puwesto si Mariz Cotoner ng FEU (1.50 meter) at ikatlong puwesto si Jennifer Angeles ng PA (1.50 meter).

Sa women’s pole vault, nanguna si Meilon Khan ng Chinese Taipei na nakapagpreserba ng 3.70 metro, ikalawa si Woor Akma Abdul Fatah ng Malaysia na may 3.40 at si Riezel Buenaventura ng FEU na may 3.20.

ABRAHAM BARCASE

AIRMAN JULIUS SERMANA

ARNEIL FERRERA

ASIAN GAMES

BUENAVISTA

CHINESE TAIPEI

COMPUTER UNIVERSITY

CREATIVITY LOUNGE

EDUARDO BUENAVISTA

FAR EASTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with