Sa 82nd NCAA: 3 foreign cagers ipaparada
June 20, 2006 | 12:00am
Tatlong foreign cagers ang siyang ipaparada ng kani-kanilang koponan para sa nalalapit na 82nd NCAA mens basketball tournament sa Sabado sa Araneta Coliseum.
Ang mga ito ay sina Nigerian Samuel Ekwe ng San Beda Red Lions, American Clarence Bernell Graham, Jr. ng PCU Dolphins at Korean Lee Sang Myeon ng Perpetual Altas.
Sa tatlo, tanging ang 6-foot-9 na si Ekwe ang hiningan ng NCAA Management Committee ng dagdag na dokumento ukol sa kanyang eligibility.
"We will wait for the additional documents of Samuel Ekwe para walang problema sa kanyang eligibility," sabi ni NCAA ManCom chairman Bernie Atienza ng host school College of St. Benilde.
Sinabi naman ni Red Lions head coach Koy Banal na iba ang grading system sa kolehiyo ni Ekwe sa Nigeria.
"Hindi naman kasi agad-agad puwedeng makuha yung records niya from his school in Nigeria. Pero wala namang problema sa mga papers niya eh," katuwiran ni Banal.
Makakatuwang naman ni Jason Castro para sa backcourt ng Dolphins ni Junel Baculi ang 61 na si Graham kagaya ng magiging posisyon ng 511 na si Lee sa Altas ni Bay Cristobal.
Noong nakaraang taon, nabigong maidepensa ng PCU ang kanilang korona nang agawin ito ng Letran Knights.
Tinapos naman ng Red Lions ang kanilang kampanya sa 81st NCAA season mula sa mahinang 4-10 kartada, habang may 6-8 ang Altas. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended