Tagumpay ng Harbour Centre malaking regalo kay Gallent
June 19, 2006 | 12:00am
Matapos malubog sa kaagahan ng torneo, halos mawalan na ng pag-asa si Harbour Centre coach George Gallent ngunit sinong mag-aakalang ang kanilang pagtitiyaga at pagpupursigi ay aanihin ng Port Masters coach sa kanyang kaarawan.
"They gave me my biggest birthday gift," wika ng 37-gulang na si Gallent na naghatid sa Harbour Centre sa tagumpay sa katatapos lamang na 2006 PBL Unity Cup kung saan tinalo nila ang Toyota Otis Sparks sa best-of-five championship series sa 3-2 panalo-talo kamakalawa sa Olivarez College Sports Center.
"When we were 2-6 (win-loss) during the eliminations, frustrated na frustrated na ako. Pero nag-click sa second round. Nag start na kami ng mag-blend and we did it one step at a time," kuwento ni Gallent. "When we beat Granny Goose in the semifinals, naisip namin na kaya pala namin."
Malaki ang pasasalamat ni Gallent kina Joseph Yeo, ang dating La Salle star at L.A. Tenorio na naging pambato naman ng Ateneo, gayundin ng team owner na si Mikee Romero.
"Utang ko sa dalawang ito ang buhay ng Harbour Centre," pahayag ni Romero. "Who could have thought na mapapagsama ko ang dalawang ito who came from two rival schools at mapapag-champion nila kami."
Nakatakda nang mag-apply sina Yeo at Tenorio sa professional rank kayat maghahanap ang Port Masters ng kapalit ng dalawang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended