Yes, yes Yeo!
June 18, 2006 | 12:00am
Lumabas ang bangis ng shooter na si Joseph Yeo sa ikaapat na quarter nang magpaulan ito ng tres upang ihatid ang Harbour Centre sa 73-66 panalo kontra sa Toyota Otis Sparks sa winner-take-all Game-Five para makopo ng Port Masters ang 2006 PBL Unity Cup title na nagtapos kahapon sa punumpunong Olivarez College Sports Center sa Parañaque.
Ang labanan ng dalawang koponang ito na parehong first-timers sa finals ay nadesisyunan sa kaagahan pa lamang ng ikaapat na quarter nang pumukol ng apat na sunod na tres si Yeo sa 15-0 run na bumura ng 57-53 bentahe ng Toyota Sparks at nagkaloob sa Harbour Centre ng 11-puntos na kalamangan, 68-57, patungo sa 4:49 minuto ng labanan.
Tumapos ng 28-puntos, 13 sa fourth quarter, si Yeo na siyang napiling Pivotal Player ng titular series habang ang tinanghal na Most Valuable Player ng finals ay si L.A. Tenorio na nagtala naman ng 17-puntos sa larong ito.
Pinangalagaan ng Port Masters ang kanilang kalamangan upang isara ang best-of-five championship series sa 3-2 panalo-talo at makopo ang kauna-unahang titulo sa ikatlong kumperensiya sa PBL at unang title din para kay Harbour Centre coach Jorge Gallent. Isang magandang regalo din ito kay Gallent na magdiriwang ng kanyang ika-37th kaarawan ngayon.
Nakinabang ang Port Masters sa hindi paglalaro ng injured na si Aaron Aban na nakasira sa rotation ni Toyota coach Louie Alas.
Kontrolado na ng Harbour Centre ang kaagahan ng labanan nang kanilang kunin ang 29-22 kalamangan ngunit nakabawi ang Sparks para kunin ang 36-34 bentahe sa halftime. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended