Well, lahat ng indikasyon ay nakaturo kay Austria dahil sa kabisado na siya ng management ng Welcoat. Isa pay may karanasan na siya sa PBA kung saan hinawakan niya ang Shell Velocity bago ito nag-disband noong isang taon.
Kung si Austria na nga ang hahawak sa Welcoat, ibig sabihin isang season lang niya hahawakan ang Adamson Falcons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kasi nga, bawal sa PBA na humawak ng ibang teams sa amateurs ang kanilang head coach. Puwedeng humawak ng team sa amateurs ang mga assistant coaches sa PBA.
Si Austria ay kinuhang coach ng Adamson noong Disyembre matapos na magbitiw sa kanyang tungkulin si Mel Alas na tumagal lang ng isang season. Nabigo si Alas na igiya patungo sa semifinals ang Falcons.
Sa tutoo lang, "heartbreak kids" ang tawag sa Falcons. Limang taon silang hinawakan ni Luigi Trillo na unti-unting nag-build up sa team sa pamamagitan ng pagkuha ng mga promising players buhat sa Visayas. Pero kahit na napalakas ni Trillo ang Adamson, lagi silang minamalas dahil sa nagkakaroon ng injuries ang key players kapag nagsimula na ang torneo. Hindi tuloy sila nakakarating sa Final Four.
Iyon ang ipinagdarasal ni Austria sa ngayon. Hangad niya na maging healthy ang kanyang team sa kabuuan ng UAAP tournament.
Apat na beterano ang nawala sa poder ng Falcons at bilang kapalit ay nakakuha si Austria ng apat na matatangkad na rookies sa katauhan nina Rey Gorospe (64), Allan Dominic Santos (64), JB Urera (63) at Joniel Yambot (65).
"Medyo lalaban sa gitna ang Adamson ngayon especially with Kenneth Bono improving," ani Austria.
Si Bono daw ang magiging main man ng Adamson sa taong ito base sa performance ng 65 center sa nakaraang Philippine Basketball League Unity Cup kung saan naglaro siya para sa Montaña Pawnshop.
Kung ganoon ang ilalaro niya sa UAAP, mahihirapan siyang mapigilan. He is the key. Kailangang magsipag siya," ani Austria.
Ang problema nga lang ni Austria ay ang kanyang mga point guards dahil kulang pa sa diskarte ang mga iyon. Pero kaya naman niyang remedyuhan dahil dati namang point guard si Austria at marami siyang maituturo sa kanyang mga backcourt men.
Ang Adamson ay ikalawang college team na nahawakan ni Austria. Ang unay ang Lyceum Pirates. Pero isang season lang din siya tumagal sa Lyceum dahil sa kinuha nga siyang head coach ng Shell Velocity sa PBA.
Mukhang ganoon nga yata ang cycle para kay Austria, e. Kapag may hawak siyang collegiate team, saka siya kinukuha sa PBA. Tuloy ay hindi niya naibabahagi ng husto sa mga batang players ang kanyang kaalaman.