Kayanin kaya ng Lady Stags?
June 17, 2006 | 12:00am
Nais maisakatuparan ng San Sebastian ang kabiguan nila noong nakaraang araw sa kanilang muling pakikipaglaban sa walang talo na De La Salle ngayon sa ikalawang round ng semifinal phase ng V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Eagle Gym.
Muntik nang maipalasap ng Lady Stags ang unang kabiguan ng Lady Archers matapos ma-sweep ang single round elimination ngunit naging kumpiyansa na naging daan sa kanilang kabiguan matapos makuha ang unang dalawang set, 25-21, 25-23, 9-25, 21-25, 5-15, sa panimula ng semis noong June 2.
Ngunit makaraang makuha ang unang finals berth sa kanilang malinis na 11-0 slate, may apat na laro una sa San Sebastian at Adamson, tiyak na hindi gaanong ibubuhos ng Lady Archers ang kanilang laro sa pang-alas-2 ng hapong salpukan sa SSC.
Ang SSC at Adamson ay magkatabla sa ikalawang posisyon na may 7-4 slates ngunit nanalo na ang Recoletos-based spikers ng tatlong laban sa semis at kailangan na lamang manalo ng dalawa sa kanilang huling apat na laban para sa 5-of-8 incentive rule para sa playoff sa ikalawang slot ng finals sa torneong hatid ng Shakeys Pizza na inorganisa ng Sports Vision at suportado din ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.
Sa unang laro, maghaharap naman ang Lyceum at FEU sa ganap na alas-12 ng tanghali.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended