Handang-handa na si Pacman sa laban
June 17, 2006 | 12:00am
Habang ang ilan sa kanyang mga tagahanga at boxing aficionados ay nag-aalala dahil late ng sumailalim sa training si Manny Pacquiao para sa kanyang laban kontra sa Mexican na si Oscar Larios sa July 2, gayunpaman, nananatiling kumpiyansa ang Peoples champion na siya ay nasa magandang kundisyon sa oras ng kanyang laban.
"Kaya pa naman, lalo nat husto ang konsentrasyon sa ensayo ko dito sa L.A.," ani Pacquiao na bumalik sa kanyang training noon lamang Mayo sa ilalim ng pangangasiwa ng tanyag na si Freddie Roach sa kanyang Wild Card Gym.
Sinabi pa ni Pacquiao na nami-miss na niya ang kanyang pamilya at ang mga bagay na kanyang ginagawa lalo na ang pagkain ng kanyang paboritong Magnolia Ice Cream. Hindi siya sumasablay sa pag-inom niya sa araw ng Magnolia Milk upang mapanatili nito na malusog ang kanyang katawan para sa darating na laban.
Sumang-ayon rin si Roach na handang-handa na si Pacquiao sa oras ng kanyang pagharap kay Larios na ayon sa pamosong trainer na si Manny ay isang mahusay na boxers na kanyang hinawakan. "When he trains, hes completely focused," ani Roach.
Maging ang Canadian boxing manager na si Michael Koncz, na naninirahan malapit sa Wild Card Gym, ay napahanga kay Pacquiao sa kanyang preparasyon para sa Larios fight.
"Nobody trains as hard as Manny," ani Koncz, na siyang nag-promote ng laban ng nakakabatang kapatid ni Manny na si Bobby Pacquiao at ang sumisikat na Pinoy sensation na si Rey Boom Boom Bautista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended