DLSU nasa finals na
June 15, 2006 | 12:00am
Bumangon ang De La Salle University mula sa matamlay na panimula at biguin ang Far Eastern U, 25-22, 25-14, 25-18, kahapon upang punan ang unang finals berth sa V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Ealge Gym.
Bumawi ang Lady Archers mula sa 9-16 deficit sa unang set at dominahin ang sumunod na laban upang manatiling imakulada ang baraha na may 11 panalo at isiguro ang unang puwesto sa best-of-three finals.
Ginamit ni La Salle coach Ramil De Jesus ang lahat ng 12 manlalaro para lituhin ang kalaban sa pangunguna ng magandang si Manilla Santos at Thai import Jindarat Kanchana na may 12 at 10 hits, ayon sa pagkakasunod.
"I will try to experiment with my rotation in our last four games because I know teams out there will try to scout our team," wika ni de Jesus, na gumiya sa Taft-based school sa three-peat sa UAAP.
Nalasap naman ng Lady Tamaraws ang kanilang ikaanim na kabiguan sa limang panalo at tuluyang mawalan ng pag-asa sa event na ipiniprisinta ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision.
Nauna rito, pinigil ng Adamson University ang mainit na hamon ng Lyceum tungo sa 25-15, 20-25, 25-20, 13-25, 15-10 panalo at makasama ang San Sebastian sa ikalawang posisyon sa magkatulad na 7-4 win-loss slate sa torneong hatid rin ng Accel, Mikasa, VFresh, Aquabest, ABC-5 at ABC Sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended