Toyota lumapit sa titulo
June 14, 2006 | 12:00am
Sa practice pa lang, mainit na si JV Casio at binitbit niya ito sa kanilang laban kahapon upang pamunuan ang Toyota Otis Sparks sa 83-80 panalo kontra sa Harbour Centre sa Game-Three ng 2006 PBL Unity Cup Finals na nagpatuloy sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.
Nagpakawala si Casio ng 5-of-6 three-point shooting, tatlong sunod nito sa ikatlong quarter na naglayo sa Sparks, para kumpletuhin ang kanyang 21-point performance para sa Toyota.
"Mali na ako nung first two games kasi late ko na siya (Casio) pinapasok," ani Toyota coach Louie Alas. "Kanina, maaga ko siyang pinasok dahil may gut feel ako na puputok siya dahil sa practice pa lang puro pasok ang three point niya."
Angat na ngayon sa 2-1 panalo-talo sa kanilang best-of-five titular showdown at maaari na nilang matikman ang kauna-unahang titulo kung maipapanalo nila ang Game-Four bukas sa Olivarez gym din.
Kinumplimentuhan ni Ardy Larong ang eksplosibong laro ni Casio nang kinana nito ang siyam sa kanyang tinapos na 13-puntos sa ikaapat na quarter upang panatilihing nakadistansiya ang Sparks sa Portmasters na nagsikap makahabol sa pagtutulungan nina Joseph Yeo at L.A.Tenorio.
Nasayang ang 28-puntos na produksiyon ni Yeo na sinundan ang 19 ni L.A. Tenerio para sa Portmasters na obligadong ipanalo ang huling dalawang laro sa serye para makamit ang inaasam na korona. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am