^

PSN Palaro

BMT ng AFP problema ng mga enlisted athletes

-
Maliban sa kawalan pa rin ng pinal na listahan para sa komposisyon ng Team Philippines sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar, ang iniutos ring Basic Military Training ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinoproblema ng mga national athletes.

Isa ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang tinamaan ng naturang direktiba ng AFP.

Kasalukuyan ngayong nagsasanay sina 2005 Philippine Southeast Asian Games gold medalist finweight Jeffrey Magliquian, silver medalist featherweight Jogen Ladon at national women’s team coach Roel Velasco.

Noong Abril pa nasa kampo ng Philippine Navy sina Magliquian, Ladon at Velasco at matatapos lamang ang kanilang BMT sa Oktubre, dalawang buwan bago ang 2006 Doha Asiad.

Dahilan rito, sinulatan na ni ABAP president Manny T. Lopez ang Commanding Officer ng Philippine Navy upang hilinging ipagpaliban nina Magliquian, Ladon at Velasco ang kanilang BMT matapos ang 2006 Doha Asiad sa Disyembre 1-15.

Subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring sagot ang Philippine Navy sa kahilingan ni Lopez.

Bukod sa mga Navymen, sumailalim rin sa kanilang BMT ang mga Airforcemen noong Marso matapos magsimula noong Enero.

Halos 80 porsiyento ng mga national athletes ay mga enlisted personnel ng Philippine Navy at Airforce. (Russell Cadayona)

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIAN GAMES

BASIC MILITARY TRAINING

COMMANDING OFFICER

DOHA ASIAD

JEFFREY MAGLIQUIAN

JOGEN LADON

LADON

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with