^

PSN Palaro

Tabla sa 1-1

-
Natutunan ng Harbour Centre ang kanilang leksiyon sa malaking pagkatalo sa Game-One at ito ang kanilang ginawa para itabla ang kanilang best-of-five championship series sa 1-1 panalo-talo laban sa Toyota Otis para sa titulo ng 2006 PBL Unity Cup na nagpatuloy sa napunong Olivarez College Sports Center sa Parañaque City.

Halos dinomina ng Portmasters ang kabuuan ng laro sa pagbibida ni Joseph Yeo na tumapos ng game-high na 25-puntos tungo sa 78-63 panalo laban sa Sparks sa Game-Two kahapon.

"We played like kids the last time. We played as a team and we shared the ball well," pahayag ni Harbour Centre coach George Gallent.

Sumandal ang Port-masters kina Yeo at Chico Lanete na umiskor ng 11 sa kanyang tinapos na 14-puntos sa ikaapat na quarter na kinapalooban ng tatlong tres upang pigilan ang paghahabol ng Toyota-Sparks.

Nabaon ang Toyota ng 15-puntos, 42-57 ngunit sa pagtutulungan nina Aaron Aban at Boyet Bautista na kumana ng tres sa 12-3 run, nakalapit ang Toyota sa 54-60 papasok sa 6:54 minuto ng labanan.

Hindi mapigilan sina Lanete at Yeo na nanguna sa 13-4 produksiyon upang muling dumistansiya ang Portmasters sa 73-58, may 2:30 minuto na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Bunga nito, ang serye ay umigsi sa best-of-three serye kung saan ang mananalo sa Game-Three sa Martes ay parang may ‘twice-to-beat’ na sa serye. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

AARON ABAN

BOYET BAUTISTA

CARMELA OCHOA

CHICO LANETE

GEORGE GALLENT

HARBOUR CENTRE

JOSEPH YEO

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

PORTMASTERS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with