Pero kakaiba itong Talk N Text Phone Pals!
Kaya kahit halos nangulelat na sila sa kasalukuyang Gran Matador-PBA Philippine Cup, hetot tutulak pa sila tungong United States at Australia!
Hindi bonus ito. Sa halip ay magsasagawa sila ng team building sa mga bansang nabanggit. Kasama din sa itinerary ang pakikipaglaro sa mga piling teams sa mga bansang ito bilang paghahanda para sa susunod na season ng PBA.
Wow!
Abay parang nagkampeon na rin sila!
Biruin mong team building lang ay sa United States at Australia pa gagawin!
Ang ibang koponan nga, kadalasan ang team building ay sa Subic o sa Tagaytay lang, e.Sasakay lang sila ng bus at magpapalipas ng ilang araw sa medyo tahimik na lugar kung saan magbo-"bonding" sila. Pero ang Phone Pals ay kukuha ng passport at visa, sasakay sa eroplano at sa ibang bansa magsasagawa ng team building.
Sosyal!
Kumbagay ibinibigay talaga ng pamunuan ang lahat ng puwede nitong ibigay sa mga manlalaro sa pag-asang magkakampeon din sila.
Sa tutoo lang, napakaswerte ni coach Derick Pumaren at mga players niya. Biruin mong ibinigay sa kanila ng management ang lahat ng gusto nila sa Philippine Cup. Lahat ng kursunada nilang players ay nakuha nila.
Kaya lang ay minalas pa rin sila at maagang natigok kahit na sa pananaw ng karamihan ay sila ang may pinakamalakas na line-up sa liga. Siguro nga kulang sa teamwork ang Talk N Text kung kayat kailangan silang magsagawa ng team building!
Pero siyempre, sa susunod na season, wala na silang excuse para matalo. Mas mataas ang magiging expectation ng management sa Phone Pals at kailangang magkampeon na sila.
E, paano kung muli silang sumadsad?
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari!
Kasi ngay dapat na ring suklian nang maganda ng mga Phone Pals ang lahat ng pagtitiwala at pagsuporta sa kanila ng management.
Nakakahiya naman kung patuloy silang mabibigo!